Saturday, February 5, 2011

Kalayaan Sa Pagpapahayag Ang Karapatan At Ang Responsibilidad

     
  Diyaryo.Telebisyon.Radyo.
         
Maraming paraan upang maipahayag ang sarili. Isang halimbawa ay ang pagsulat ng sanaysay na ito. Ito ay karapatang kailangan gamitin ngunit hindi dapat abusuhin. Sa likod ng bawat pahayag ay isang mabigat na responsibilidad at paninindigan.

Bilang isang mamamahayag, tungkulin natin ang maghatid ng katotohanan sa publiko. Sabi pa ni Ginoong Mike Enriquez “Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan, serbisyong totoo lamang.”

Bilang isang demokratikong bansa, marami ang ipinaglalaban ang kanilang karapatang magpahayag ng kanilang sarili. Ayon sa ikatatlong artikulo ng 1987 na Konstitusyon ng ating bansa Pilipinas seksyon apat “Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayabang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.”  Ang karapatang magpahayag ay isang karapatang tao na kahit kailan man ay hindi pwedeng mabawi sa atin.

  Minsan ang mga bagay na nakasanayan na ay inaabuso at minamanipula. Ang ating karapatang ihayag ang sarili ay ginagamit ng ilan para sa kanilang pansariling kapakanan kaya nadudungisa ang kredibilidad ng pagpapahayag. Ang ilan sa mga ito ay nakakasira ng pagkatao, nakakasakit ng damdamin at minsan ay humahantong sa pisikal na sakitan.  

Sa paglipas ng panahon, patuloy pa ring naghahayag ng sarili ang mga tao ngunit madalas na nakaliligtaan ng mga tao ay ang responsibilidad na nakakabit dito. Ang pagtangap ng responsibilidad ay ang pagtanggap sa kung ano man ang pwedeng kahantungan ng iyong mga aksyon, positibo man o negatibo. Ika ni Benjamin Franklin “A slip of the foot you may soon recover but a slip of the tongue you may never get over”. Ito ay nagsasabing kailangan maging maingat sa mga sasabihin dahil lagging nasa huli ang pagsisisi.

Ayon kay Spiderman “With great power comes great responsibility.” Ang pagpapahayag ay hindi lamang para sa mga mamamahayag kundi para sa bawat isa sa atin. Ito ay pinagkaloob sa ating lahat upang gamitin sa wastong paraan.

Ito ay isang karapatan at responsibilidad.

Unang Larawan:

Kahulugan ng  Benjamin Franklin:

Kahulugan ng Spiderman:

1 comment:

  1. Bago matapos ang araw na ito ay nais kong ipahayag ang aking saloobin sa mga nangyayari sa ating lipunan, bilang mag aaral ng Araling Panlipunan at bilang isang mamayan ng Bansang Pilipinas ito ay ating tungkulin na makiisa sa pagdiriwang ng ikaw Isangdaan dalwamput dalwang anibersaryong taong ng pagkaka laya ng ating Bansa
    KALAYAAN, ang bawat tao ay may kanya kanyang pagpapa kahulugan sa salitang ito. At para sa akin ang ating kalayaan ay nasusulat sa 1987 Constitution. Dito natin makikita ang lahat ng uri ng karapatan na ating tinatamasa sa mga panahon na ito. Ngunit ang tanong ng maraming Pilipino, ganap na nga bang Malaya ang bansang Pilipinas?
    “Takot at Pangamba na baka pag dating ng bukas ang Pilipinas ay pagmamay ari na ng iba”
    Sa bawat umagang gigising ako mula sa aking mahimbing na pagkaka tulog ay hindi nawawala sa isip ko ang lumalalang problema ng Bansa, hindi masulosyunang problema, mga hindi maka taong gawain at ang patuloy na pag papa alipin sa mga taong kumikitil ng ating kalayaan. Sa loob ng dalwang pong taon na pamamalagi ko sa bansang ito ay kapansin pansin ang mabagal na pag usad ng Kaunlaran, ito ba ay dahil sa mga pinuno ng bayan o sa mamamayan?. Kalayaan ba talaga ang tinatamasa nating sa kasalukuyan o ang bulok na sistema na iilan lang ang nakaka ranas ng masaganang buhay. Ilan iyan sa libo-libong tanong ng maraming Pilipino, nasa kabila ng pag diriwang na ito ay patuloy pa din tayong natatakot dahil hindi tayo nakaka sigurado sa disiyon ng mga taong nag hahari sa kasalukuyang panahon. Tayong mga mamamayan ang Yaman ng lipunan, at tayo din ang susi sa pag tanggal sa tanikalang naka gapos sa ating sangkatauhan.
    Huwag agawin ang aking kalayaan, huwag patayin ang Aking Karapatan!!!
    - CJGagan

    ReplyDelete