Saturday, February 19, 2011

Kalayaan Sa Pagpapahayag Ang Karapatan At Ang Responsibilidad


Upang magtagumpay ang pamahalaan, mahalagang taglay nito ang tiwala ng mga mamamayan.
Ang pagtitiwala ng mga Pilipino kay Noynoy Aquino at sa kanyang pamilya ang isa sa mga dahilan kung bakit siya’y nahalal na pangulo. Dahil din sa tiwala kaya’t dinumog si Secretary Leila De Lima ng mga kababayang nais magpakuha ng larawan pagkatapos ng inauguration at ipinagbunyi ng marami ang pagkakahirang kay Jesse Robredo bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government Secretary(DILG).
Sa kabilang Banda   
, ang pagguho ng tiwala naman ang nagtutulak sa mga nananawagan sa Pangulo na sibakin na ang paborito niyang Puno: si DILG Undersecretary Rico Puno. Sinasabing kasunod ng pangulo, si Puno ang may pinakamalaking pananagutan sa Manila hostage crisis noong Agosto dahil siya ang may hawak sa Philippine National Police
Si Puno ay isa rin sa mga inakusahan ng pagtanggap ng suhol mula sa jueteng. Ang nagbibintang ay si retired Archbishop Oscar Cruz ng Krusada ng Bayan Laban sa Jueteng, na eksperto na sa usaping ito.
Sa kanyang pagtatanggol kay Puno matapos na di niya sundin ang orihinal narekomendasyon ng DOJ-DILG Incident Investigation and Review Committee, halatang puno na si Pangulong Aquino sa mga batikos laban sa kanyang kaibigan.
Ngunit dapat niyang unawain na malaki ang inaasahan ng Bayan 
 sa kanyang administrasyon kaya’t di maiiwasan ang mga puna, lalo na mula sa mga taong sumuporta’t sumama sa kanyang pagsusulong ng daang matuwid. Inaasahang magiging mataas ang pamantayan ng Pangulo sa kredibilidad ng kanyang mga opisyal. Dapat niyang sundin ang kanyang slogan noong kampanya: ang kanyang mga tao ay dapat na walang bahid at walang duda.
Sa ibang bansa, anumang magdulot ng kahihiyan sa isang opisyal ng pamahalaan ay sapat nang dahilan upang siya’y magbitiw. Samantalang sa nakalipas na rehimen sa Pilipinas, sobra ang kakapalan ng mga kapit-tuko. Sana ay di maging ganito sa kasalukuyang administrasyon. Dapat, wika nga ni Erap (kahit di niya tinotoo), “walang kaibigan, walang kumpare, walang kamag-anak.”
Hindi dapat gumuho ang tiwala ng mga tao sa kanilang gobyerno. Balakid sa landasing matuwid ang anumang bahid ng pagdududa sa kanilang mga pinuno.
Pinagkunan ng Larawan:
Kahulugan ng dinumog:
Kahulugan ng Banda:
Kahulugan ng rekomendasyon:
Pinagkunan ng isang qoute:


No comments:

Post a Comment